Napapalingon daw ang mga tao kapag nakita ang mga ka-look-alike nina Vice President Leni Robredo, presumptive president Bongbong Marcos, at presumptive vice president Sara Duterte. Sino nga ba sila? Alamin.

Ang sinasabing ka-look-alike ni Mayor Sara na si Jason Ormo, kababayan ng incoming VP sa Davao Oriental, at isa rin palang local official.

May pagkakataon nga raw na nabibigyan siya ng special treatment dahil napagkakamalan siyang si Inday Sara. Ano naman kaya ang nasabi ng future VP nang magkita sila nang personal?

Samantalang mula naman sa Cavite ang ka-look-alike ni VP Leni na si Jumelia Maghanoy, na ayon mismo sa kaniya, gusto niya ang kulay yellow at paborito niya ang lugaw.

Mayroon na ring mga anak si Maghanoy, na gaya ni VP Leni. Pero kung si VP Leni ay wala nang asawa matapos mabiyuda, si Maghanoy, nawalan ng mister dahil iniwan siya.

Isa namang stand-up comedian ang ka-look-alike ni Marcos na si MC Muah.

Pero kahit may nagsasabing kahawig niya ang next president ng bansa, aminado si MC na si Robredo ang sinuportahan niya sa nakaraang Eleksyon 2022.

Paano na kaya ngayong nagwagi si Marcos at hindi pinalad ang kaniyang kandidato? Ano kaya ang masasabi ni MC? Tunghayan ang buong report na ito sa video ng "KMJS." --FRJ, GMA News