Pinakilig nina Mikee Quintos at Paul Salas ang kanilang fans nang mag-post ang aktres ng kanilang travel photo.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Mikee ng kaniyang ATV ride kung saan ine-enjoy niya ang magandang tanawin.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

 

Pero sa susunod na photo, makikitang magkasama at magkayakap sina Mikee at Paul.

"Halika nga!!!! I luuuuh-miss you, @paulandre.salas," caption ni Mikee sa post.

"Hihihihihih iluhmisshu" tugon naman ni Paul.

Kinumpirma ni Paul nito ring Mayo na dating sila ni Mikee.

"Hindi kami nagmamadali pero dating kami. Dating," sabi ni Paul sa Mars Pa More. —Jamil Santos/VBL, GMA News