Sa pagdiriwang ng Pride Month, inihayag ni Miel Pangilinan, anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan, na miyembro siya ng LGBT community.

Sa Instagram post noong Martes ng gabi, sinabi ng 17-anyos na si Miel na matapos niyang alamin ang kaniyang gender at sexual identity, masaya siya ngayon na ihayag kung sino siya.

“[This June,] I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” saad ni Miel sa post.

“I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as [I’ve] grown and explored my own gender and sexual identity,” patuloy niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by miel (@mielpangilinan)

 

Nagpapasalamat si Miel na nagawa niyang maipahayag ang kaniyang sarili. Batid daw niya na hindi lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ community ay ligtas at malayang maipapahayag ang kanilang sarili.

Sinabi rin ni Miel na marami pa siyang kailangang maunawaan at mapag-aralan bilang miyembro ng Filipino queer community.

“I’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country,” sabi niya.

Sa pagtatapos ng kaniyang post, binati ni Miel ang lahat ng miyembro ng queer community na, “happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike.”

Sa comment section, nagpahayag naman ng pagsuporta kay Miel ang kapatid niyang si Frankie,  at mga pinsan na sina Kiana at Gab Valenciano, at Judy Ann Santos.—FRJ, GMA News