Inihayag ni Malaysian actress at "The Maid" star Siti Khadijah Halim ang kaniyang paghanga kay Heart Evangelista, na isa sa kaniyang paboritong Pinoy celebrities.

Sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing hanga si Siti sa pagiging elegante at pag-arte ni Heart.

Napapanood din daw nila Siti sa Malaysia ang mga Pinoy TV series.

Gusto ni Siti na makita ang kaniyang Pinoy fans, mamasyal sa El Nido, Palawan at Cebu, at masubukang kumain ng balut.

Excited na rin si Siti na mapanood naman ng mga Pinoy ang kanilang series.

Nagpapasalamat din si Siti na nakasama siya sa "The Maid" at nakasama sa cast na binubuo ng A-list actors.

Mapapanood na ang Malaysian mystery drama series na "The Maid" sa Lunes, 11:30 ng umaga sa GMA. —Jamil Santos/VBL, GMA News