Kinagiliwan ng netizens ang cute at energetic na bagong workout buddy ni Dingdong Dantes na si Sixto.

Sa Instagram stories ni Marian Rivera, na mapapanood sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang pagpapakitang-gilas ni Sixto sa pagbibilang habang ginagawa ang cable face pull exercise.

Tila hindi rin nagpatalo si Sixto habang nakikipagsabayan ng ehersisyo sa kaniyang ama. —Jamil Santos/VBL, GMA News