Ikinasal na sina Jason Abalos at Vickie Rushton ilang buwan makaraang ianunsiyo ng dalawa na engaged na sila.

Sa Instagram Stories nitong Huwebes, ibinahagi ng malapit na kaibigan ng dalawa na si Marco Alcaraz ang ilang kaganapan sa kasal.

Sa video, makikita ang magandang bride na si Vickie habang lumalakad patungo sa altar suot ang Filipiniana-like princess bridal gown. 

Makikita naman ang groom na hindi napigilang umiyak habang hinihintay ang kaniyang kabiyak.

 

Nitong nakaraang Hunyo, ibinahagi nina Jason at Vickie na engaged na sila noong pang Setyembre 2021.

Ayon sa GMA Entertainment, unang nagkita sina Jason at Vickie noong 2010.— FRJ, GMA News