Muling pinakilig ng rock band na Michael Learns To Rock ang Pinoy fans sa kanilang concert Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing dinagsa ng fans ang Manila leg concert ng MLTR.

Nakisabay ang Pinoy fans sa hit songs ng MLTR tulad ng Complicated Heart, Sleeping Child at Breaking My Heart.

Ayon sa fans, sulit ang kanilang panonood dahil narinig nila nang live ang mga theme song ng buhay nila mula sa original artists nito.

Sunod na magko-concert ang MLTR sa Cebu at Davao.

Tatlong taon ang nakararaan nang huling mag-concert ang MLTR sa Pilipinas. —Jamil Santos/LBG, GMA News