From neighbors to fur-ever friends, iyan ang nabuong bonding ng isang bata at isang golden retriever sa Parañaque City.

Si Chloe at ang alagang aso ng kanyang kapitbahay na si Molly ay nagba-bonding lang noon sa gate ng bahay. Ito ay dahil sa panahon na hindi pa pinapayagan si Molly na makalaro si Chloe.

Unti-unti silang nasanay sa isa't-isa kaya kalaunan ay magkasama silang mamasyal sa subdivision.

Ang golden friendship ay naka-antig sa puso ng mga netizen. — BAP, GMA Integrated News