Pinarangalan ng Esquire Philippines sa kanilang “Man at His Best” issue sina Alden Richards at Atom Araullo, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Lunes.

Ang lead star ng "Start-Up PH" na si Alden ang pinarangalan bilang Entertainer of the Year.

Kinilala ng magazine si Alden para sa kaniyang pagiging actor, model, singer, host at endorser.

Samantala, pinangalanang Journalist of the Year ang GMA Integrated News anchor at documentarist na si Atom.

Binigyang pugay ng magazine ang pagbabalita ni Atom kahit sa gitna ng kalamidad at sakuna.--Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News