Nagningning at nagpainit ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi sa kaniyang latest swimsuit photos.

Ibinahagi ng Miss Universe Philippines ang mga larawan ni Celeste na elegante at handa nang sumabak sa pageant.

Nag-pose si Celeste suot ang cut-out one-piece swimsuit at high heels habang napaliligiran ng bright lights, samantalang kinumpleto ng kaniyang signature long locks at confidence ang kaniyang fiery look.

 

Bago nito, nagpasiklab na rin si Celeste sa kaniyang all-red outfit at isang pink feather dress pagkadating sa New Orleans para sa Miss Universe pageant.

Fierce din ang Filipino-Italian beauty queen sa kaniyang makeup shoot, at nakita rin ang kaniyang royal beauty sa ilan pa niyang mga larawan.

Nagbahagi rin si Celeste ng pasulyap sa kaniyang pasarela.

Gaganapin ang Miss Universe coronation night sa Enero 14 sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana.

Mahigit 85 na kandidata ang maglalaban-laban para sa korona.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News