Click ang tambalan nina David Licauco at Barbie Forteza sa Kapuso series na "Maria Clara at Ibarra." Kaya sa "Fast Talk With Boy Abunda, tinanong ang aktor na kung single si aktres, liligawan kaya niya ito? At sasagutin naman kaya siya ng dalaga?

Dahil in a relationship si Barbie kay Jak Roberto, isang hypothetical question ang ibinato ni Tito Boy kay David na: would he court Barbie if were single?

"I like smart, go-getter na babae, cute girls, simple lang," maingat na sagot ni David. "Ganun si Barbie."

Dahil hindi malinaw na yes o no ang sagot ng aktor, tumulong na rin si Barbie sa pag-usisa  sa sagot,  at "yes" naman ang naging tugon ni David.

Kasunod nito, si Barbie naman ang tinanong ni Tito Boy na kung sasagutin ba niya si David kung manliligaw ito, kung wala silang relasyon ni Jak.

"Siguro 'pag mas nakilala ko pa siya deeper. Pag naging close siya sa family ko and all," paliwanag ni Barbie.

"'Yung talagang 'pag nalaman kung paano siya manligaw, maybe I'll have answer then. But now we're really good friends," dagdag ng dalaga.

Nasa last two weeks na lang ang "Maria Clara at Ibarra" na napapanood sa GMA Telebabad pagkatapos GMA News "24 Oras." —FRJ, GMA Integrated News