Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, sinagot ni Sunshine Cruz ang tanong kung bakit siya umalis at nagbalik sa GMA Network.

Aminado si Sunshine, na nakatanggap siya ng mga hindi magagandang komento sa pag-alis niya noon bilang Kapuso.

"Some people have said a lot of hurtful things that you know, I wasn't loyal, I wasn't like this, pera-pera daw," anang aktres.

Personal na dahilan daw ang nagtulak sa kaniya noon para hindi mag-renew ng kontrata noon. Kabilang sa mga dahilan niya ang subukan ang iba sa kaniyang career.

"I've dedicated actually more than half of my life to my home network," saad niya. "This was the very, very first time that I would be allowed to work outside."

"You know when you're always in a certain box, you're always in your comfort zone, how will you be able to grow?," dagdag niya.

Paglilinaw ni Sunshine, humingi siya pahintulot sa mga boss para lumipat ng ibang network noong 2021.

Sa kaniyang pagbabalik-Kapuso, sinabi ng aktres na, "Because actually I don't have a contract with them, I'm a freelancer. I'm free to work with anyone I want to."

"I'm turning 40 this year, and I actually like the feeling of that kind of freedom to actually work for anyone that I would want to work with or anyone who would like to work with me," sabi pa ni Sunshine.

Sinabi rin ni Sunshine na may alok sa kaniyang proyekto noon sa GMA kahit may ginagawa siyang proyekto sa kabilang network.

"Sa mundo natin, kahit anong gusto mong bumalik, kung walang offer, hindi ka makakabalik," pahayag niya.

Mapapanood si Sunshine sa upcoming mega series "Mga Lihim ni Urduja," kasama sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia. —FRJ, GMA Integrated News