Single ang status ngayon ni Ashley Ortega matapos ang hiwalayan niya sa alkalde ng Lucena City na si Mark Alcala.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Martes, sinabing inamin ni Ashley sa media conference ng upcoming series nila ni Xian Lim na “Hearts On Ice” ang naturang breakup nila ng alkalde.

Ayon kay Ashley, mutual decision ang hiwalayan nila ni Mayor Alcala noong nakaraang taon.

Gayunman, hindi na nagdetalye si Ashley tungkol sa breakup dahil focus muna niya ang career.

Sa "Hearts On Ice" na katambalan niya si Xian Lim, proud na ibinahagi ni Ashley na wala siyang ka-double sa series, at siya mismo ang gumagawa ng skating stunts.

“It’s normal for us na sumemplang, at para makita rin ng tao ‘yung struggles ng athletes, kung paano kami sumemplang, how we get up and do it again,” sabi ni Ashley.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News