Bagama’t walang komunikasyon sa ngayon, inihayag ni Kylie Verzosa na umaasa siyang muli niyang makikita at makakausap ang dating nobyo na si Jake Cuenca.

“Today, are you in touch? Have you reached out to each other? Nakapag-usap na ba kayo?” tanong ni Tito Boy kay Kylie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

"No, Tito Boy. I know it’s been a long time. Siguro in time, only time will tell," saad ng beauty queen turned actress patungkol sa pagkikita "in a very friend setting."

"Ayoko siya pilitin. Darating din ang panahon when we will meet each other and maybe, time will only tell,” patuloy niya.

Matatandaang nagkahiwalay sina Kylie at Jake noong nakaraang taon matapos ang tatlong taon nilang relasyon.

Samantala, kinumpirma rin ni Kylie na nag-date sila noon ng aktor na si Marco Gumabao.

“Siguro a long time before Jake (Cuenca), mga two years ago… We did try it out but, bata pa kami noon eh. But we remain very good friends," sabi ni Kylie.

"Happy ako sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya. I’ve seen him grow as an actor, as a person, nagka-catch up pa rin kami. We remain very good friends,” patuloy ng 2016 Miss International.

Inilarawan ni Kylie si Marco na very smart at very level headed.

May upcoming movie si Kylie kasama si Marco na “Baby Boy, Baby Girl” na ipalalabas sa Marso 22.-- FRJ, GMA Integrated News