Kahit sumabit sa pagbanggit ng pangalan, nasabi pa rin ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera si Cristine Reyes ang kaniyang celebrity crush.

Inihayag ng "Write One" actor nang sumalang siya sa "Fast Talk" segment ng programa ni Boy Abunda nitong Miyerkules.

"Artistang crush mo," tanong ni Tito Boy.

"Ah...ang hirap," bungad ni Royce na nabulol pa nang sabihin na ang pangalan na, "si Cristine Reyes."

Nang tanungin naman ang aktor kung sino ang gusto niyang maka-kissing scene, sinabi ni Royce na "kahit sino."

Tinanong din si Royce kung ano unang tinitingnan sa kaniya ng babae, tugon niya, "Oy! Mata ko?"

Sinabi rin ni Royce na "psycho" na kagaya ni "Joker" ang kaniyang dream role.

At ten years from now, inihayag ni Royce na nais niyang matularan ang kapuwa niya Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Sa ngayon sinabi ni Royce na masaya ang kaniyang puso at nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang career.

Alamin sa video ang iba pang mainit na tanong ng Fast Talk kay Royce. Panoorin. --FRJ, GMA Integrated News