Matapos magpalamig sa Chicago, USA, nagpainit naman ngayon sa beach ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Sa Instagram, nag-post si Barbie ng ilang larawan at video na nakasuot siya ng blue at pink patterned bikini.

"Swipe left : ang todo nung saya, first day palang," saad ni Barbie sa caption with smiling at heart emojis.

Sa video post, nilagyan ito ni Barbie ng caption na: "Pagbigyan niyo na (with laughing emoji)." 

Nilagyan pa niya ng music ang video post ng awiting "Not Your Barbie Girl" ni Ava Max.

Kasama ni Barbie sa kaniyang beach getaway si Jak Roberto, na nagkomento sa video post na, "Mine."

Bukod sa kaniyang mga follower, ilang celebrity rin ang may nakaaaliw na komento sa mga post ni Barbie.

 

 

Nito lang nakaraang buwan, inihayag ni Barbie ang pagpunta niya sa Chicago makaraang maramdaman na tila "nalulunod" na siya mula sa “all the unnecessary noise my world has been giving me.”

“So, I decided to come here and I’ve experienced the best 20 days of normal, calm and quiet life,” anang aktres.

Matapos ang naturang bakasyon, sinabi ni Barbie na handa na niyang harapin ang mundo.

“I won’t drown this time. I’m not afraid of the water anymore cause now, I know how to swim,” saad niya.

--FRJ, GMA Integrated News