Pansamantala munang liliban sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” si Maja Salvador.

Ito ang inanunsyo ng kaniyang Crown Artist Management, na sinabing dahil ito sa kaniyang nalalapit na kasal at “uncertainties surrounding Eat Bulaga.”

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half [year] ago, but for now, we have to give it a pause,” saad sa statement.

Ayon sa agency, naiparating na sa management ang desisyong ito ni Maja, kaya naman sila ay “hoping for your utmost understanding.”

“Maja wishes Eat Bulaga, its hosts and staff, all the best!” saad ng Crown Artist Management.

Nakatakda nang ikasal sina Maja at ang kaniyang fiancé na si Rambo Nuñez itong Hulyo.

Naging host si Maja ng Eat Bulaga noong 2021, at fan na ng longest-running noontime show noon pang kaniyang pagkabata.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News