Inilahad ni Aubrey Miles na sinusubukan nilang magkaroon ng baby ni Troy Montero nang mag-post sila ng kanilang nude photos noon na naging usap-usapan ng netizens. Ano naman kaya ang naging reaksyon ng kanilang mga anak?

“Actually noong time na ‘yun nagta-try talaga kaming mag-baby noong wala pa si Rocket noong time na ‘yun. ‘Yun ang time na talagang sabi ko ‘You know what I just want to be free. I wanna do this,’” sabi ni Aubrey sa “Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.

“Sa place kasi na ‘yon, wala namang nakakakita. Tapos siya tuwang tuwa naman siya kapag naglalakad akong hubad,” natatawang sabi ni Aubrey. “Happy naman siya, sabi ko ‘Let’s go.”

Tinanong ni Tito Boy si Aubrey kung anong komento ng kanilang mga anak tungkol sa pagiging proud nila ni Troy sa kanilang mga katawan.

“Noong time na ‘yun siyempre nakita nila sa mga friends nila. Wala, quiet lang sila. Ako na mismo nagsabi, sabi ko ‘Guys we’re so sorry.’ ‘No, no mom you look good.’ It’s okay we understand, you work hard.”

“Nakikita naman talaga nilang nagwo-workout ako and supportive sila. Alam nila ‘yun hirap ko, especially ‘yung 22 [year old] ko. Alam naman niya ngayong nag-start na siyang mag-workout.”

Tinutukoy ni Aubrey si Maurice Obligacion, na anak niya sa dating aktor na si JP Obligacion.

“Ayun ang feeling na talagang mas kumportable ako na less clothes. Kasi ‘yung clothes nakakalaki pa eh,” sabi ni Aubrey.

Sa isang panayam noon, sinabi ni Aubrey na wala siyang nakikitang masama sa pagpo-post nila ng kanilang hubad na mga larawan.

"Sinasabi nila, 'Why do you have to post?,' sinasabi ko, 'Well because we can,'" sabi ng aktres sa phone interview. "We're old enough for an adult na kung ano ang gusto namin i-post at saka we actually do this everytime we travel."

Sinabi rin ni Aubrey na sinisigurado nilang walang ibang tao kapag nagpi-picture sila nang walang saplot sa katawan.

"Wala namang bawal na unless binastos mo 'yung tao dito or na may mga ibang tao," saad pa niya.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News