Kahit kaka-recover pa lang matapos sumailalim sa heart procedure, hindi naiwasan ni Gardo Versoza na bumilis ang tibok ng puso dahil sa sexy photos ng aktres na si Sue Ramirez.

Sa Instagram, nag-post si Sue ng kaniyang photos na suot ang two-piece swimwuit na magpapakita ng fit at toned body ng aktres.

Umani ng libu-libong reaction at comments ang naturang post, at kabilang sa nag-iwan ng komento ang aktor na si Gardo.

"Bumilis tibok ng puso ko cupcake," saad ng aktor sa comment section na may kasamang fire, heart at cupcake emojis.

Sumagot naman si Sue sa naturang komento ni Gardo at sinabing, "Miss u cupcake!!!! hope you’re feeling better."

 

 

Kamakailan lang, inihayag na nagpapa-therapy si Gardo makaraang sumailalim sa heart procedure matapos atakihin sa puso. (Basahin: Gardo Versoza, nakalabas na sa ospital matapos atakihin sa puso) --FRJ, GMA Integrated News