Magtatambal sa bagong kilig series na “Love at First Read” sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Sa kuwento, iibig si Mavy sa dalawang babae na iisang tao lang pala.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Huwebes, sinabi nina Kyline at Mavy na dramatic highlight sa series na hindi nila malilimutan.

“Itong malaking hint na ito kasi ang daming nangyayari sa spot na ito, revelations, pag-tackle ng mga problema,” sabi ni Mavy.

“Strengths and weaknesses nina Kudos at Angelica, at baka dito rin mag-end ‘yung story. ‘Yun po talaga kasi sobrang intimate naming dalawa lang. Ito ‘yung isa sa mga favorite location ko,” sabi ni Kyline.

Ang “Love at First Read” ay base sa hit Wattpad webnovel ng parehong title, na nagkaroon na ng 23.3 milyong reads, na sinulat ng author na si Chixnita.

Ito ang kuwento ni Kudos, isang secret romantic na hinahanap ang kaniyang perfect girl. May natagpuan siyang diary at naniniwala siyang ang may-ari nito na si Abby, ang kaniyang makakatuluyan.

Gayunman, nakilala niya rin si Angelica, na walang tiwala sa mga lalaki at walang ineteres sa pag-ibig. Nag-away sila sa una, ngunit na-develop din ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

Dito, mahahati ang pagtingin ni Kudos kina Angelica at Abby – na iisang tao lang pala.

"Magsisimula sa pagiging isang hopeless romantic, non-believer ng love dahil sa issues sa pamilya or dating na-broken hearted dahil sa ex niya," sabi ni Mavy.

“Ang diary ni Angelica at ang cat and dog fight lagi nina Angelica at Kudos, for sure marami ring hopeless romantic out there

Makakasama nina Mavy at Kyline ang bagong Sparkle artists na sina Josh Ford at Pam Prinster, na gaganap bilang sina Train at Hazel.

Kasama rin ang mga beteranong sina Maricar de Mesa, Jestoni Alarcon, at Jackie Lou Blanco.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News