Apat na buwan matapos magsilang, ipinakita na ni Rita Daniela, na larawan ng isang happy first time mon, ang kaniyang anak na si Baby Uno.

Sa Instagram, nag-upload si Rita ng video habang kasama sa higaan ang kaniyang anak na si Juan “Uno” Andres.

"Sending good vibes, love and hope to everyone," saad ni Rita sa caption ng video.

"Here’s my hope, my ball of sunshine and my home, my lovely son, UNO," patuloy niya.

Sabi pa ng Kapuso actress, "I’m so blessed and proud to be your nanay."

 

 

Isinilang ni Rita ang baby nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend noong December 22, 2022.

Inanunsiyo ni Rita ang kaniyang pagbubuntis noong June 2022 sa isang episode ng programang "All-Out Sundays." --FRJ, GMA Integrated News