Muling gumanap si Sam Pinto sa favorite character niyang si "Neneng B"  at pinakinggan ang pickup lines ng mga pumuporma sa kaniya sa “Fast Talk with Boy Abunda.” Pumasa naman kaya kay Sam ang pickup line ni Tito Boy?

“I haven’t done it for so long. Ito ‘yung pinaka-favorite role ko out of all the roles that I played,” sabi ni Sam sa episode nitong Martes.

Naging surprise guest si Kim De Leon, na bahagi ngayon ng "Bubble Gang," kung saan gumanap din si Sam bilang si Neneng B.

Nakalaban naman ni Kim sa pickup lines ang ilang bahagi ng production ng programa.

Tunghayan ang mga swabeng pickup line nina Kim at ilan pang mga kalalakihan para maakit si Neneng B., at si Tito Boy na hindi rin patatalo sa kaniyang entry. Mabighani kaya nila ang pag-ibig ng dalaga? Panoorin. 

--FRJ, GMA Integrated News