Kabilang si Alden Richards sa mga na-link noon kay Sam Pinto. Pagkumpirma ng aktres, nagkaroon sila noon ng dinner date sa yate ng aktor.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Sam na mayroon silang ipino-promote na movie noon ni Alden.

Taong 2011 nang ma-lik noon si Alden kay Sam kaya tinanong ni Tito Boy ang aktres kung totoo na masyadong bata ang tingin niya sa aktor nang panahong iyon.

"Yes," natatawang sagot ni Sam, na dalawang taon ang tanda kay Alden. "Masyado siyang bagets."

"But It was a nice date though," sabi pa ni Sam na mapapanood na rin sa "Abot Kamay na Pangarap."

Nang tanungin kung nanatili ba silang magkaibigan ni Alden, sinabi ni Sam na hindi sila nagkakausap.

Gayunman, walang nakikitang magiging problema si Sam sakaling magkasama sila ni Alden.

"Ever since he's the sweetest naman kasi," saad ng aktres.

Kasal na ngayon si Sam sa basketball player na si Anthony Semerad at mayroon na silang isang anak na babae. —FRJ, GMA Integrated News