Inihayag ni Sam Pinto na hindi siya makapaniwala na itinanghal siya bilang “sexiest Pinay” ng isang men's magazine noong 2012. Pero maliban sa kaniya, tinanong si Sam kung sino sa tingin niya ang  isa pang sexiest woman.

“I can’t believe I did that. I can’t believe until now. It’s still, ‘Wow, it actually happened to me?’ But it was still so surreal na out of all the girls, all the people in the world, it actually happened to me? It’s crazy,” sabi ni Sam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

Sa Fast Talk segment, inihayag ni Sam na sa kabila ng titulong ibinigay sa kaniya noon ng FHM Philippines, bibihira lamang ang kapwa artista na pumorma sa kaniya.

"Ilan ang artistang pumorma sa iyo?" tanong ni Tito Boy.

"Not much," sagot ni Sam.

“I don’t know, I think they are scared of me,” sabi niya nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Wala rin daw siyang ex na naging kaibigan niya.

Nang tanungin kung sino sexiest woman maliban sa kaniya, sinabi ni Sam na si Marian Rivera, na na ilang beses ding itinanghal noon na sexiest Pinay ng isang men's magazine.

Bukod naman sa kaniyang asawang si Anthony Semerad, hottest man para kay Sam si “Thor” actor Chris Hemsworth.

Inihayag din ni Sam na ang kaniyang "feet" ang kaniyang biggest insecurity.-- FRJ, GMA Integrated News