Kung may aktor na gustong makita si Max Collins na sasalang sa "Fast Talk with Boy Abunda," ito ay walang iba kung hindi si Jericho Rosales. Bakit kaya siya ang napili ng aktres?

Sa episode ng talk show ni Tito Boy nitong nakaraang Lunes, naging guest ng programa si Max Collins kung saan kinumpirma niya na hiwalay na sila ng kaniyang dating mister na si Pancho Magno.

Sa video ng GMA Network nitong Miyerkules, ipinakita ang ilang behind the scene sa naturang guesting ni Max.

Tinanong din ang aktres na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na siya ang magtatanong sa King of Talk, ano ang kaniyang itatanong.

"Who is your favorite guest that you interviewed," ayon kay Max.

Nang tanungin naman si Max kung sino ang celebrity na gusto niyang isalang sa "Fast Talk," sinabi ng aktres ang pangalan ni Jericho rosales.

Ano naman kaya nais niyang itanong sa aktor?

"I wanna know why Echo [Jerico] doesn't  wanna do TV anymore," ayon kay Max.

--FRJ, GMA Integrated News