Tatlong taon nang kasal, inihayag ni Matteo Guidicelli na nagpaplano na rin sila ng kaniyang asawang si Sarah Geronimo na magkaroon ng baby.

“Oo, sana. Sana po. With prayers. [Ipagdasal] niyo po kami mga Kapuso. Sana, soon, soon, magka-baby tayo,” sabi ni Matteo sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas sa “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Sa paglipat ni Matteo sa Kapuso Network, kinumusta rin ang aktor tungkol kay Sarah.

“Sarah is doing very well, of course.”

Inilahad ni Matteo, na isa sa hosts ngayon sa Unang Hirit, ang inspirasyon na naibibigay sa kaniya ng kaniyang asawa.

“Bilang husband, I think aside from work, ‘yung personal life ko talaga, ‘yung priority ko talaga sa buhay ay sa pagiging asawa. I’m there for my wife, to support, be beside her and to live for her. And of course, to build our family in the future. So ‘yun ang main goal ko. Nagbago na lang ang perception ko, priority ko sa buhay noong nagpakasal kami,” saad niya.

“That’s why I really encourage marriage and finding your partner in life because talagang two people synergizing and becoming better human beings, ‘yun ang exciting part,” pagpapatuloy ni Matteo.

Inilahad ni Matteo ang sikreto sa matatag na buhay-may-asawa nila ni Sarah.

“Unang una, to put God in the center of the relationship at all times. No matter what you believe in, I think there has to be a God in the middle kumbaga. To know the direction, objective of what you want to do in your life. And to trust one another.”

“Kahit anong mangyari sa buhay, basta magtiwala kayo sa isa’t isa, irespeto niyo ang isa’t isa, at mamahalin niyo ang isa’t isa. ‘Yun ang pinaka-importante.”—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News