Masaya si Alden Richards na parang anak ang tuwing sa kaniya ni Sharon Cuneta, at nais naman ng Megastar star na ituring siyang ina ng aktor.

Sa isang ulat ng PEP.ph, ibinahagi ng Kapuso actor ang magandang relasyon nila ni Sharon na nabuo sa pinagsasamahan nilang pelikula na, "A Mother and Son's Story."

Matatandaan na unang nagbahagi si Sharon sa kaniyang social media ng pagkagiliw niya kay Alden na sa sobrang bait at itinuring na niyang anak.

Ayon naman kay Alden, naging mabilis daw ang lahat ng pangyayari.

"Sobra pong bilis ng mga pangyayari at kulang na lang po ata birth certificate na parang whole-packed family na po kami ni Ms. Sharon," sabi ni Alden.

Ayaw umano ng aktres na tatawagin niya itong Ms. Sharon, at sa halip ay "mama" ang dapat na itawag niya sa Megastar.

"Gusto po niyang tawag ko sa kaniya 'Mama.' Kasi kapag tinawag ko po siyang Ms. Sharon, sinasabi po niya na, 'Teacher mo ba ako?'" saad ni Alden.

Ulila na sa ina si Alden mula noong 2008 matapos na pumanaw sa sakit ang kaniyang mommy Rosario Faulkerson.

Sinabi ni Sharon na hindi naging mahirap para sa kaniya ang makahugot ng emosyon sa mga eksena nila ni Alden bilang mag-ina.

Kabilang ang "A Mother's Story" sa mga pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sa direksyon ni Nuel Naval, kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Jackie Lou Blanco, at Tonton Gutierrez.—FRJ, GMA Integrated News