Lumipad na pa-Amerika sina Alden Richards at Michelle Dee, na magiging judge sa Miss Filipina International.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing gaganapin ang pageant sa Beverly Hills, California.

Sinabi nina Alden at Michelle na excited na sila sa paligsahan at ma-meet ang mga Kapuso abroad.

Nakatakda ring lumipad si Alden sa Middle East nitong Agosto para sa “Pinoys to the World,” na show ng GMA Pinoy TV, GMA Synergy at SoundCloud Events.

Nagpasalamat naman ang Asia’s Multimedia Star sa mataas na ratings ng "Battle of the Judges."

Bibida rin si Alden sa isang episode ng "Magpakailanman" sa Sabado, na tungkol sa isang runner na may cervical dystonia.

Samantala, looking forward si Michelle na makasama ang kaniyang pamilya sa Amerika.

Handa na rin siya sa upcoming Miss Universe 2023 na gaganapin sa El Salvador sa Nobyembre 18. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News