Sinagot ni Solenn Heussaff ang tanong kung handa na siyang bumalik sa pagiging full-time na artista.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ni Solenn na hindi pa siya ready lalo ngayong mommy siya ng two girls na sina Thylane at Maëlys.

Dagdag pa niya, ramdam niya ang hamon ng pagiging isang ina ngunit enjoyable naman.

Biro ni Solenn, babalik siya sa full-time na pag-aartista kung i-remake ang Encantadia. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News