Sinampahan ng kaso si Kanye West ng dati niyang empleyado dahil sa pagmamaltrato umano.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ilan sa mga kasong isinampa ni Tony Saxon sa American rapper ang disability discrimination, labor code violations at unlawful payments.

Nagtrabaho noon si Saxon sa bahay ni Kanye, ngunit isinawalang bahala umano noon ng rapper ang kaniyang request na monetary relief dahil sa kaniyang injury sa likod.

Nagkasundo rin sina Saxon at Kanye sa halagang $20,000 kada linggo na kabayaran para sa proyekto, ngunit tanging $20,000 lamang ang ibinayad ng rapper sa proyekto.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Kanye hinggil sa isyu.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News