Handa nang pakiligin nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang kanilang fans sa kanilang reunion concert na “Dear Heart” sa Biyernes.

“This is for the fans, it is very important for us, it is very meaningful, very emotional din para sa amin,” sabi ni Gabby sa ulat ng GTV "Balita Ko" nitong Huwebes.

“You will see Gabby and Sharon on stage live. It’s like a movie but it’s the first time ever that we’re going to perform together live,” ayon naman kay Sharon.

Sinabi nina Sharon at Gabby na inspired ang kanilang concert mula sa kanilang 1981 na pelikula na “Dear Heart.”

Ang concert ay magsisilbing music documentary kung saan magbabalik-tanaw sila sa kanilang kuwento.

May special participation din ang kanilang anak na si KC.--FRJ, GMA Integrated News