Nasugatan ang miyembro ng Super Junior na si Kyuhyun nang atakihin siya ng isang babae na may dalang patalim.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing nasa dressing room si Kyuhyun nang mangyari ang pag-atake.

Nagtamo ng sugat sa daliri ang K-pop idol na kaagad namang nalapatan ng lunas.

Naaresto naman ang babae na isinailalim sa imbestigasyon.

Kasalukuyang bumibida si Kyuhyun sa musical na "Ben-Hur" sa South Korea.—FRJ, GMA Integrated News