Parehong kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila matapos ang 11 taon nilang relasyon.

Sa kaniyang Instagram nitong Huwebes, inilahad ni Kathryn na alam niya rin ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon, kaya minabuti niyang manggaling na sa kaniya mismo ang anunsyo.

"... [A]s hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It's true that Deej and I have decided to part ways," saad ni Kathryn.

"What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely in love," pagpapatuloy niya.

 

 




Ayon pa kay Kathryn, magkasabay silang lumaki, nangarap at nasaksihang natupad ang mga pangarap nila ni Daniel.

Halos kalahati na aniya ng kaniyang buhay ang relasyon nila ni Daniel, at hindi niya ito pinagsisisihan at ipagpapalit sa kahit na anumang bagay sa mundo.

"These are 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home," saad niya.

"He knew me more than anyone else. He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him."

Ayon kay Kathryn, sinubukan nila ni Daniel na ayusin ang kanilang relasyon, ngunit nagkaroon sila ng "drifting apart" nitong mga nakaraan.

"[W]e ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be. It just won't be fair to pretend that everything is still the same."

Nagpasalamat si Kathryn sa patuloy na suportang ibinibigay sa kanila ng fans habang pinoproseso nila ni Daniel ang kanilang break-up.


""Our love story began with respect and ended with respect," sabi niya.

Pagtatapos na mensahe ni Kathryn kay Daniel, "You gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you."

Sabi naman ni Kathryn sa kaniyang caption, "chapter closed" na ang relasyon nila ni Daniel at hindi na muna siya sasagot sa mga katanungan hinggil sa isyu.

"Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding."

Sa kaniya namang Instagram, inihayag ni Daniel ang kaniyang pasasalamat ay Kathryn at sa 11 taon nilang relasyon.

"Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo," panimula ni Daniel.

"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows," pagpapatuloy ng binata.

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."

 

 



Nagpasalamat din si Daniel sa "KathNiels" o kanilang fans sa ibinibigay nilang pagmamahal, na sinabi niyang kaniyang "pamilya" at "mga kaibigan."

"Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan."

"I pray for us to grow, and heal."

Bilang pagtatapos, inihayag ni Daniel na nananatili ang pagmamahal niya kay Kathryn.

"Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan." —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News