Binalikan ni Jay Arcilla ang mga insidente na minsan ay nabarangay pa siya nang masangkot siya sa rambol noong kaniyang kabataan. Pero napagtanto ng aktor na wala itong maidudulot na maganda sa kaniyang buhay.

“Noong kabataan ako, napasama ako sa isang trouble. Hindi nalaman ng parents ko ‘yun,” sabi ni Jay sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkoles.

“Kakulitan ko noong bata ako," pagpapatuloy niya.

Dagdag ni Jay, may kasamang pisikal na engkuwentro ang nasangkutan niya noong trouble.

“Natutunan ko noon na walang maitutulong sa sarili ko kung doon ako lalaki sa mga ganong gawain," saad niya.

“That time, naisip ko sakit lang ng ulo ang naibibigay ko sa magulang ko,” sabi pa ni Jay.

"Wala siya naitulong sa buhay ko that time."

Kasalukuyang napapanood si Jay sa Kapuso top-rating afternoon series na "Makiling” na pinagbibidahan din nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. -- FRJ, GMA Integrated News