Matapos aminin noong nakaraang taon na hiwalay na sila ni Pancho Magno, in love na kaya ngayon si Max Collins?

Sa isang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," tinanong ng King of Talk ang Kapuso actress sa segment na "Fast Talk" kung in love siya ngayon.

Pero tugon ni Max, "No."

Nang tanungin tungkol sa huling message na natanggap niya mula sa isang lalaki, sinabi ni Max na mayroong nag-aya sa kaniya.

"Ang sabi, 'Are you free on the...," natatawang sabi ni Max. At nang tanungin kung ano ang kaniyang isinagot, sabi ni Max, "Hindi."

Nang ipakompleto naman ni Tito Boy ang sentence na, "I finally learned that..." tugon ng aktres, "I should love myself first."

Sa isang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong May 2023, sinabi ni Max na nangyari ang kanilang paghihiwalay ni Pancho noong panahon ng pandemic.

"I didn't talk about it because s'yempre, marami kaming pinagdaan as a family that time because there was a pandemic, nanganak ako, my marriage was falling apart," ayon sa aktres.

"I had to process everything, and I wanted to quiet the noise. I didn't want to hear other's people's opinions, suggestions, comments because artista na ako, ayaw kong gawing teleserye 'yung buhay namin," patuloy niya.

Hindi inilahad ng mag-asawa kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa pinabagong panayam ni Tito Boy, sinabi ni Max na "unconditional" para sa kaniya ang true love.

"Because you're giving and you're not expecting to received (in return). It's very hard [to find]," pag-amin niya pero hindi naman daw imposible.

Pero para kay Tito Boy, sinabi niya na hindi naman masama na mag-expect ng something in return sa nagmamahalan.

"I'm not there yet," pag-amin ni Max.

"Dapat may bigayan," sabi ni Tito Boy. "Nakakasaid at nakakapagod yung isa lang ang nagbigay, nagbigay, nagbigay."

Bagay na inayunan naman ni Max at maging ni Gabby Eigenmann na kasama ring guest sa programa para sa bago nilang project na "My Guardian Alien," na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion. -- FRJ, GMA Integrated News