Nauna nang ihayag ni Carla Abellana na handa siya sakaling mag-krus man ang landas nila ni Tom Rodriguez, pero ano naman kaya ang masasabi niya na may bago nang love life ang kaniyang ex-husband?

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, hiningan ng reaksyon si Carla tungkol sa pag-amin ni Tom na mayroon siyang idine-date ngayon.

“I don’t see the need to comment or even react," saad ng Kapuso actress. "Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n. Kumbaga I am aware naman na nakabalik na s’ya.”

Dagdag pa ni Carla, “Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako. Nasabi ko naman na ‘yun na kung mag-krus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man ‘yan, prepared naman ako for that. Pero you know, I’ll just be myself. I’ll let him be.”

Sa isang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" nong nakaraang buwan, sinabi ni Carla na bukas siya sa posibilidad na umibig muli pero nag-iba na umano ang pananaw niya pagdating sa kasal matapos ang hiwalayan nila ni Tom.

“Love, definitely po Tito Boy. I mean ang love po hindi lang ‘yan romantic lang. Love is all around us, there’s family love, love for your career, everything, napakadami po niyan. I feel that, I still believe in love,” saad ni Carla.

Dagdag pa niya, “Aminin ko po ang daming nag-change ‘yung mga perspective ko po, especially with marriage. ‘Yun po ang medyo nag-iba po ang aking pananaw or paningin pagdating sa marriage. I really honestly I don’t see myself getting married again. Nag-iba po eh, nabulabog ang aking concept,” pahayag ng aktres.

Matapos mamalagi sa Amerika ng dalawang taon matapos silang maghiwalay ni Carla, bumalik ng bansa Tom noong nakaraang Enero.

Sa kaniyang pagbabalik, sinabi ni Tom na “100% healed" na siya matapos ang bigong pagsasama nila ni Carla bilang mag-asawa.—FRJ, GMA Integrated News