Masaya si Andi Eigenmann na naipakita niya sa kaniyang kapatid na si Gwen Guck ang kaniyang buhay sa Siargao na hindi nila nagawa ng kaniyang namayapang ina na si Jaclyn Jose.

Sa Instagram, nag-post si Andi ng mga larawan habang nagbabakasyon si Gwen sa Siargao matapos ang inurnment ng kanilang ina.

“An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless," saad ni Andi sa caption niya sa post.

"Nanay [Jaclyn] never made it, but I would like to believe she lovingly watched over us from her paradise. After all, all I can do now is to believe," patuloy niya.

 

 

Marso 2, nang biglang bawian ng buhay ang batikang aktres dahil sa sakit sa puso.

Dahil sa pagpanaw ni Jaclyn, umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika si Gwen.

Sa huli, nagbigay ng paalala si Andi patungkol sa mga mahal sa buhay: “Life is uncertain. Look after your people. Hug them. Love them. Cherish them. Hold your loved ones close.” -- FRJ, GMA Integrated News