Mula sa small screen, napapanood na rin sa big screen ang tambalan nina Jillian Ward at Ken Chan sa pelikulang nakatakda nilang gawin.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing lilipad patungong Taiwan ang dalawa sa Mayo para sa naturang proyekto.

"Sobrang na-e-excite na po ako. Hindi po siya 'yung usual na love story sa isang pelikula," paliwanag ni Jillian.

Napapanood ngayon sina Jillian at Ken bilang sina Dra. Analyn Santos at Dr. Lyndon Javier sa top-rated afternoon series na "Abot-Kamay Na Pangarap."

Isa si Lyndon sa mga karakter na nagkakagusto sa matalinong si Dra. Analyn.

Nitong nakaraang buwan, ipinagdiwang ni Jillian ang kaniyang 19th birthday.

Ang naging birthday wish ni Ken kay Jillian, ang matupad ang lahat ng pinapangarap ng dalaga.—FRJ, GMA Integrated News