Ibinahagi ni Gigi De Lana ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kaniyang butihing ina.

Sa Facebook, nag-post si Gigi ng larawan ng kaniyang ina, at nagpasalamat sa mga nagdasal.

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama,” saad ni Gigi. “She passed away at 9:19pm May 14, 2024.”

“Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na," patuloy ng mang-aawit.

Sa Instagram, nag-post din si Gigi ng mga larawan ng kaniyang ina, maging ang nasa ospital.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kaniyang mga follower at kapuwa celebrities, kabilang sina Darren Espanto at Ogie Alcasid.

Nitong nakaraang linggo, nag-post ng video si Gigi habang nasa isang gig. Dito, humingi siya ng dasal para sa kaniyang ina na nasa ICU nang panahong iyon.

“I am regretting things that I didn’t do with my mom. I love her so much,” ani Gigi.

“And please love your family kasi sila lang ‘yung nandiyan para sa inyo,” paalala niya.

 

 

FRJ, GMA Integrated News