Inilahad ni Paolo Contis na pagdating sa pag-ibig, mahirap mahalin ang mga lalaki.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si Paolo tungkol sa mga lalaki na dapat malaman ng host.

“Tito Boy, mahirap mahalin ang lalaki,” panimula ni Paolo.

“I have to be honest. Nakakainggit ‘yung ibang mga tao that they are very open about their feelings, maraming tagong angst, pain ang lalaki. Because we always have to act strong. And sometimes you’re not that strong and you cannot show it to the people,” paliwanag ni Paolo.

Kung bigyan naman ng pagkakataon si Paolo na makasama sa isang dinner ang sinuman, pinili niya ang kaniyang mga magulang at kapatid.

“I just want to have another sit-down dinner with my mom, my brother and my dad,” anang Sparkle actor.

Inilahad niya ang mga gusto niyang sabihin sa kaniyang mga magulang.

“[Sasabihan] ko lang si papa na ‘I’m okay,’” sabi ni Paolo.

“I have to thank my mom for everything, for keeping me strong. And I would have to tell my dad, ‘Sorry,’ simula noong nawala siya, medyo marami akong kapalpakang nagawa. I know I still have time to change that, and I promise him that I’ll make him proud again” pagpapatuloy niya.

Muling nasangkot sa kontrobersiya si Paolo matapos siyang i-unfollow ng nobyang si Yen Santos at alisin nito ang mga larawan nila sa Instagram.

“Isang magandang ‘No comment!,’" tugon ni Paolo nang tanungin sa isyu. -- FRJ/GMA Integrated News