May sweet birthday message si Cassy Legaspi sa kaniyang kaibigan na si Darren Espanto.

Sa Instagram Stories ng TV-host/actress, nag-post si Cassy ng mga larawan nila ni Darren at may nakasulat na, “Happy Happy Birthday DB!! ‘D Total Package.’”

Saad pa ni Cassy para kay Darren, “Stay kind & true to yourself always D (alam mo na yun....hehe) don't forget to pace yourself and take care of yourself.”

Patuloy pa niya, “You already know that I'm always here for you and I always have been.”

Ni-repost naman ni Darren ang mga larawan at sinabing, “Thank you, DB!” na may kasamang yellow heart emoji.

 

 

Dahil sa pagiging malapit nina Cassy at Darren sa isa't isa na nakikita sa kanilang social media posts, inakala ng netizens na higit pa sa magkaibigan ang namamagitan sa dalawa.

Katunayan, magkasama ang dalawa sa GMA Gala at ABS-CBN Ball, at maging sa mga biyahe sa Batangas, Japan, at California.

Pero nilinaw ng Kapuso actress na magkaibigan lang sila ng binata. Inihayag naman ni Darren na single siya. —FRJ, GMA Integrated News