Ibinahagi ng "Lutong Bahay" host na si Mikee Quintos ang kaniyang naging weight loss journey.Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ni Mikee na nahirapan siyang magbawas ng timbang.Pero sa tulong ng kaniyang nobyo na si Paul Salas at suporta ng mga mahal niya sa buhay, muli siyang nakapag-focus sa kaniyang nais na gawin."Minsan 'yung tingin lang natin sa sarili natin naghi-hinder sa atin para maabot 'yung mga dapat para sa atin. Tapos when that shifted in my head mas naging direct yung focus ko, naging motivated ako, mas naging masaya rin ako," kuwento ni Mikee.Bukod sa kaniyang cooking talks show na "Lutong Bahay," kasama si Mikee sa GMA Network at Viu Original series na "Slay."Kasama rin sa naturang murder mystery series sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, at iba pa.Ang "Slay" ay kuwento ng apat na babae na magiging suspek sa pagpatay sa gym instructor, na gagampanan ni Derrick.Napapanood na ang "Slay" sa Viu Philippines, at ipalalabas naman sa GMA Prime simula sa March 24. —FRJ, GMA Integrated News