Aminado sina Ina Raymundo at Will Ashley na kapwa silang nakaramdam ng todo kaba sa kanilang intimate scene sa pelikulang "X & Y".

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, nagsisilbi rin daw ang "X & Y" na pagbabalik-pelikula ni Ina matapos ang dalawang dekada.

May temang May to December love story ang "X & Y", na kuwento ng lalaki't babaeng 'di magkakilala pero magkakasama sa isang life-changing road trip.

"It's been a long time since I did a love scene, years na rin talaga. Nag-sink in sa akin, 'Oh my gosh, so pareho kaming kinakabahan,'" sabi ni Ina.

"Nahiya po ako pero ang nasa loob ko po talaga noon kung mahihiya ako, mag-uulit ulit eh. So gagawin ko na lang talaga ang best ko para isang magandang take na lang talaga," sabi naman ni Will.

Rumampa sa premiere night ang cast ng pelikula.

Kasama rin sa cast ang Sparkle actor na si Kirst Viray.

Full support ang ilang Kapuso artists, kabilang sina Sofia Pablo at Allen Ansay, na makakasama naman ni Will sa Kapuso serye na Prinsesa ng City Jail. — VDV, GMA Integrated News