Sa isang pag-aaral na ginawa kamakailan sa Amerika, lumitaw na kabilang ang wikang Filipino [Tagalog] sa mga dayuhang wika ang pinakaginagamit sa kanilang mga estado.

Sa pag-aaral na ginawa ng 24/7 Wall St. at nalathala nitong Hulyo 1, 2017, nakasaad na batay umano sa U.S. Census Bureau, nangunguna ang wikang Spanish sa mga dayuhang wika na pinakaginagamit sa Amerika,

Kasama sa listahan ng mga dayuhang wika na pinakaginagamit ang Chinese, Filipino, Vietnamese, French, Arabic, Korean at German.

Sa bawat estado, lumitaw na Tagalog ang dayuhang salita na pinakaginagamit sa mga tahanan sa California, Nevada, at Washington.

Samantalang ang Ilocono naman ang pinakaginagamit na dayuhang salita sa Hawaii.

Inilarawan sa naturang pag-aaral ang Tagalog na, "base for the Filipino language" na opisyal na wikang gamit sa Pilipinas. -- FRJ/KVD, GMA News