Kulungan ang bagsak ng isang Pilipinong nursing assistant matapos niya umanong molestiyahin ang isang pasiyente sa isang health care facility sa California, USA.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing sinumbong ang suspek na si Kelven Ferolino ng kaniyang mga katrabaho sa pulisya.

Nagkaroon din ng hinala ang pulisya na posibleng mayroon pang ibang naging biktima si Ferolino.

Inirekomenda ng korte ang piyansang $30,000 o katumbas ng mahigit P1.5 million para kay Ferolino.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang pahayag ng akusado. — Jamil Santos/MDM, GMA News