Laking pasasalamat ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) nang maibalik sa kaniya ang nawala niyang wallet na may laman na P185,000 cash at cellphone.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nawala ang naturang wallet ng OFW na si Joliza Wanason sa Ninoy Aquino International Airport.

Masuwerte naman na si Philippine Coast Guard Seaman Second Class Ramir Greg Locsin, na nakatalaga sa NAIA, ang nakapulot sa naturang wallet.

Hinanap ni Locsin ang may-ari ng pitaka hanggang sa makita niya si Wanason.

Dahil sa ginawa ni Locsin, tumanggap siya ng letter of commendation "for exhibiting honesty, integrity at professionalism" mula sa PCG.

“SN2 Locsin's dedication to his tasks, professionalism, devotion, and integrity to public service significantly contributed to the pride of this unit and the whole Philippine Coast Guard organization," ayon kay Commander Jimmy Oliver Vingno ng PCG Task Force Unit Airport One-Stop Shop (OSS). --FRJ, GMA News