Sugatan ang isang Pinay nurse na namimigay lamang ng face mask sa New York subway matapos siyang bugbugin ng isang mag-asawa.

Sa ulat ng GMA News"Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Potri Ranka Manis, na nagtamo ng mga galos sa mukha at katawan.

Wala raw face mask na suot ang mag-asawa kaya binigyan niya ang mga ito.

Bukod sa pananakit, kinuha rin daw ng dalawa ang kaniyang  cellphone at pinagsalitaan na bumalik sa China.

Hinahanap na ng mga awtoridad ang mag-asawa.--FRJ, GMA News