Kinagiliwan ang isang Canadian Police matapos itong mag-Bisaya nang kausapin ng isang Pinoy sa Canada.

Sa Hirit Good Vibes sa Unang Hirit, sinabing tubong Cebu si Officer Rosa, at kaibigan ng uploader na si ZJ Monte.

Sinabi ni Monte na proud siyang kaibigan ni Officer Rosa dahil kaunti lamang ang mga Pilipino na opisyal sa lugar nila sa Canada.

@ojcchan1 #bisaya #ofw #bisdak ? Life Goes On - Oliver Tree

Naisipan ni Monte na gumawa ng video para ibida ang police duties ni Officer Rosa at ng Filipino culture.

Meron nang 4.7 milyong views at 572,000 likes ang kanilang video. —LBG, GMA News