May 2,000 trabaho ang iniaalok ng bansang Hungary para sa mga Pilipino na kanilang inanunsyo sa pagdiriwang ng Philippines-Hungary Friendship Week.Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing ang mga trabaho ay may kaugnayan sa agrikultura, construction, manufacturing at iba pa.Ayon kay Hungarian Ambassador Titanilla Toth, sa tatlong bansa na pinapayagan nilang magpasok ng manggagawa, isa rito ang Pilipinas.Sa mga bansa sa Asya, tanging ang Pilipinas lang ang kanilang pinapayagan dahil sa pagiging Kristiyano ng mga Pinoy, na katulad nila.Idinagdag niya na may pagkakahawig din ang kultura nila sa Pilipinas sa kanilang kultura.Sinabi naman ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na gumagawa sila ng hakbang para hindi maging biktima ng illegal recruitment o human trafficking ang mga nais magtrabaho sa Hungary. —FRJ/KG, GMA Integrated News