Sumuko na ang dalawang suspek sa pagpatay sa transwoman na si Jessa "Jestoni" Remiendo sa Bolinao, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nagtungo sa Pangasinan Police Provincial Office sina Michael Orpano at Isagani Dollaga nitong Lunes kung saan inamin nila ang krimen.

September 17 nang matagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa isang resort si Remiendo.

Natukoy ng mga pulis sina Orpano at Dollaga dahil sa mga text message nila sa cellphone ng biktima.

Pinatibay pa 'yan ng isang saksi na nagbigay ng pahayag.

Nasa kustodiya na ng Bolinao Police ang mga suspek na mahaharap sa kasong murder.

Wala pang pahayag sina Orpano at Dollaga. —KBK, GMA News